Monday, March 22, 2010

Savannah

Again another poem about a dear friend. Although it's not the usual cheeziness - except for the last few lines. He he he

Thursday, 18th March 2010

Savannah

Posible ba na ang tao'y mabulag ng ligaya?
Hindi dahil sa pagsara ng mata dulot ng pagtawa,
Bagkus umaapaw sa mata ang liwanag ng galak.
Parang kislap at kinang ng ginto't pilak.
At sa pagnanasa mong kamkamin ang ilaw,
hindi mo na mapansin ang samu't-saring kulay ng mundo sayong
pagkasilaw

Maaari bang mabingi ng halakhak?
Katulad ng ulang patuloy na pumapatak,
Nilulunod ang lahat ng yanig sa hangin.
Kaya't walang nalalabing maaaring dinggin,
Kundi ang malinaw at malutong na hahaha,
Hindi mo na madinig ang pabago-bagong awitin ng mundong
maka-orkestra

Maaari bang mapipi sa tuwa?
Na kahit hindi putulin ang iyong dila,
Kakatayin, tatapyasan naman ang iyong bokubaloryo.
Sa ganoong sitwasyon, masasabi mo bang sayo ang mga salitang
bibigkasin mo?
At sa mga pangungusap mo, makikilala ba ang 'yong pagkataong tunay?
Hindi ka na matatagpuan ng mga kakilala mo, tulad ng mga salitang
nanakaw habambuhay.

Hindi manhid ang taong ganap na masaya.
Masdan mo ang pagsabog ng kulay ng mundo.
Pakinggan mo ang iba't-ibang awitin nya.
Hanapin mo ang mga salitang talagang sa iyo.
Ako ba'y nadaranas ng iyong mga pandama?
Sapagka't ikaw ay palaging nadaranasan ko.

No comments:

Post a Comment