Thursday, March 4, 2010

Kalay

This is the first of a series of love poems and the first of three poems in Tagalog. I believe this is the point in my life where I reached the zenith of falling in-like. As Fiyero put it, "somehow I've fallen under your spell; and somehow I'm feeling it's up that i fell."

Wednesday, 5th October 2005

Kalay


Kwadradong kulungan
Tanikala ng isipan
Hindi mapigilang
h'wag umaklas at tumakas

Nakasabit sa tali ang kamay
at manhid na mga paa
Aliping piyerot ng apat na sulok
ng gusaling bilangguan ko

Nakikita lamang mga ulap at langit
at sa gilid, dugo't luha
ng mga matang
wala na sa mukha

Naririnig ang lagadab
Ang awit ng demonyo
Isang pabulong na pagakit
Sumasapaw sa mga boses ng ulo

Naaamoy ang kalawang:
sa mga rehas at kadena
sa malapot na basa ng sahig
Ginagahasa ang nirereglang ilong

Nalalasahan? Wala!
Ni butil ng kanin,
o patak ng tubig ay
hindi kailangan ng bilanggo

Sa kulungan kong ito:
walang sakit
walang pangit
walang pagod
walang gulo

Wala; wala; wala -

kung hindi kalayaan.



No comments:

Post a Comment