Monday, 23rd May 2005
Ginaw
Naaalala ko ang jaket ko
at iihip ang ginaw.
Nasaan ang yakap mo,
ang init mong bigay?
O natatanging jaket ko -
na nanggaling pa sa Baguio -
kapag wala sa piling
oh how cold the feeling
At ang kyut na disenyo:
inagaw ang tingin ko.
Nang una kong makita,
inilabas ko aking pera.
Ngunit ikaw ay iniwan
sa pangingibang-bayan.
At sa aking paguwi,
ika'y susuutin muli.
At laking gulat na lamang
sa aking pagbabalik-bayan
nang aking nalaman:
ika'y hindi pala sakin
Naaalala ko ang jaket ko,
at iihip ang ginaw.
Nasaan ang yakap mo,
ang init mong bigay?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment